.chanhassen. <body>
IS HER !

16 yrs old, studying in muntinlupa science high school which i am going to miss when i go to college.
Renee Rose
cant_thinkofsumthin@yahoo.com
nursery,kinder,prep:little angels early learning center
grade 1 to grade 6: st. francis of assisi college system,alabang campus
high school: muntinlupa science high school
college: ?????
i am absolutely moody!
I bleed.
i believe.
i care.
i rebel(in a good way).how's that?
i love.
i learn from other's experiences.
i love my family.
i love my friends.
i have full of dreams.
I BELIEVE IN GOD.
i make mistakes. i am only a human.

HER LETTERS



Cbox

HER CREDITS

Designer: Sillyclock
Image Hosted by: Photobucket
Actual Image: -
Brushes:- - - Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

HER DREAMS

assholes to get out of my life
to make my dream come true
to be independent
to pass all scholarship i took up
to read all the books in powerbooks(asa!)
to get rid of PI and jotka
to live in my ideal life
to make decisions right
to eat a lot of delicious foods

HER ESCAPE

friend
karla
alexi
mariz
mine
chrystal
kuya july
ate nadz
ate roch
karla-lj
friend

HER PAST

November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
September 2007

Thursday, March 29, 2007

nakapasa ako sa PUP. masaya! masaya! masaya! i do not consider myself as smart. i consider all the good things, scholarship and passing entrace of exams as luck. kung matalino talaga ako, papasa ako ng UP at alam ko ang ibig sabihin ng tag. waahahahaha! ang bobo ko!

may laro ang PBA sa Fresnedi's sports complex. nasa likod lang yun ng skul. wala kaming ticket kaya hindi kami nakapasok pero naglakad-lakad lang kami malapit dun sa complex para matanaw ang mga players at si wesley gonzales. sta. lucia vs. san miguel ang laban. hindi ako fan ng PBA pero gusto ko na rin sila talaga makita pero wala kaming makita. ok lang. masaya naman ang food trippin with friends(mariz, gen, katz, kath).

7:45 PM

|
Saturday, March 24, 2007

Matagal na akong di nakapag-post pero dahil masaya ako magpopost na ko.

March 18-19
nasa angels’ hills, tagaytay kame para sa retreat naming. Umaasenso na ang munsci. Yun ang ibig sabihin nun. Dati kasi hanggang mph lang sila. Hehehe! Iba na ngayon. Iba kasi batch na to eh! D best!

Mga 4 na kame nakarating ng tagayatay at inorient muna kame. Syempre sinabi yung mga rules. Ang higpit sobra. Tapos nag-assign na ng mga rooms samen. Yung lahat nung boys nasa dorm. Yung girls naman hati. Yung iba nasa dorm at cottages pero kame special kame kasi wala kame sa cottages pero wala rin kame sa dorm. Nasa tbi kame ng dorm pero 5 persons lang kame. Sa dorm kase umaabot ng 20 persons. Pero special talaga kasi kame kaya may sarili kameng kwarto kasama pa mga friends kaso lang hindi nsma si Hannah. Instead na si Hannah, si sison yun nakasama namin. Pero hindi rin magandang agig special kasi may naging responsibility kame. Kame ang bantay ng mga girls sa dorms. Bawal daw silang palabasin at kame ang in-charge dun. dahil nga ganun ang sitwasyon halos wala kaming tulog. 7:00 ang dinner namin at sobrang daming food. Ang bigat sa tian. After nun recollection ulit with kuya dondie. Kasama naming ang pytha sa room. Mejo naiyak ako dun kasi basta pero hindi ako iyak na iyak katulad nung grade 6. mas napaluha kasi ako nung grade 6. siguro dahil hindi pa ako bato nun! Natatawa talaga ako kasi lumikha nanaman ng eksena si james. Todo iyak siya. Basta! Wla ng katuturan eh. Center of attention tuloy siya. Kagrupo ko pa naman siya. Hai! 11:45 pm natapos yung recollection at mas nauna kame dun sa ibang section. Tuwang tuwa kame kasi bonding moments na namin ulit. Bantay kame kaya halos wala kameng tulog at mejo naaasar na samin yung ibang mga tao dun. 2:00 am kame naligo para hindi na kame maliligo kinabukasan kasi 6:30 ang call time at maraming pipol ang dadagsa sa banyo. 4:00 na kame nakatulog kasi bonding moments nga with karla, charmaine, tal at Kathleen at duty(sa pagbabantay!) kame ng mga oras na yun. 6:00 kame nagising. Baliw si chami dahil katabi ko siya at ang unang reaction namin pagkagising ay tawanan. Nakakatuwa noh? Ang heavy nanaman ng breakfast naming. Tapos may mass na minadali nung umaga. Tapos recollection nanaman pero this time buong 4th yr na. Kumanta kame ng timi timi tummy levi cicio cio cio cio cio cio cio. Maraming effects na nangyare. May candle passing pa at umiyak ang mga pipol dun pero ngenjoy akong magpasa ng candles khit hindi ko kaclose bigay lang ng bigay. Naaasar na nga ako eh kasi ang dami ng umiiyak pero nakatawa parin ko(pareho kame ni chami…baliw talaga yun). Tapos picture taking na! Bili ng souvenir at marami pan picture taking. Bumisita sa cottage nila Hannah at marami uling picture taking. Umalis na kame by 1:30 pm. Ahhh! Bye tagaytay!

March 23
Awarding ng most! Yun yung 10 outstanding students ng muntinlupa at syempre di mawawala si ivan. Saying nga lang at top 4 lang siya. Top 1 yung girl na taga woodrose. Waah1 ang saya nung whole event. Maraming students from different schools syempre sinusuportahan nila yung mga classmates niya. yung mga schools ay: woodrose(alabang), south crest, munt science, la salle zobel(alabang), Montessori, southridge(alabang), munt. National, pedhs, munt. Business, san beda college alabang. Hehehe! Ang hirap palang maging most kasi sumayaw sila, kumanta at nag-speech! Hahaha! Nakakatuwa! Astig ang mga taga southridge(all boys school ata yun) dahil kanya-kanyang dala ng sasakyan. Kameng taga munsci hindi na kailangn nun dahil sa likod lang namin yung pinagdausan ng event eh(fresnedi’s sports complex). Special metion 32nd millionaire si Ivan sa game k n b? at ang pantapos na line ni ivan sa speech niya e “Muntinlupa, game k n b?” eto naman kame sumagot ng game na! Symepre proud kame sa knya eh. Masaya rin ako nitong araw na to dahil nalaman kong pasado ako sa msf (muntinlupa scholarship foundation) 40 lang kaming kinuha among the top 10 students of different schools sa muntinlupa. Nakakatwa nga kasi hindi naman ako top 10 ng munsci at hindi rin ako kasama sa first section. Tsamba! Hahaha! Ang saya talaga kasi ayon sa mga narinig ko 25,000 daw ang makukuhang pera per sem. 10,000 na lng byad n ako sa tuition fee. Laking tulong talaga nun kasi mahirap lang naman kame.

March 24(kanina)
Kasal ng ate ni tal kanina at invited kame nila chami, Hannah at karla. Kapamilya na kame! Whooo! Sobrang nahihiya kame knina kasi kala naming maraming tao. Buti na lang mejo konti lang. Pero dahil kadikit ko nanaman si chami sa simbahan halos mabaliw-baliw nanaman kame. Everytime na mahihiya na kame kumakanta kame ng timi timi tummy levi cicio cio cio cio cio cio cio. Masaya naman sa reception kanina sa max’s kasi hindi naman kami na-outcast. Sobrang daming food at nakakahiya kasi hindi naming naubos. Sori tal! Nakita namin si mam lacambra sa max’s at tinawag pa kame at may halong beso beso pa! Hindi ko naman akalaing kilaa kame nun ni mam. Hehehe! tapos syempre behave pa kme nung maraming tao pero nung umalis na yung iba loko-loko nanman kame. Kinausap kame ng kuya ni tal. Isa pang kalog. Bonding moments sa kuya niya at kay tal. After nun picture taking. Baliw na kme kanina kasi nagpakana nnman akong magpost sa picture na may hawak na ketchup! Edi sila kumuha ng mga Worcestershire sauce at iba pa. Saka kame pinicturan! Ewan! Sana mapost ko yung pictures naming dito.

Unli ako kanina at matagal ko ng hindi nagagawa yun. Maraming friends akong nakatext. Mga classmates nung elementary at classmates ngayon. Una, inasar ko si Melvin kay tal pero di naglaho ako yung nagipit. Napaamin niya ako sa crush ko. wla! Nakakatawa kasi yung crush ko, boyfriend ng crush niya. pero advice ko talaga kay Melvin na kay tal na lang siya.

11:33 PM

|
Friday, March 16, 2007

dahil nga puro college, courses at future ang pinag-uusapan gusto ko lang i-share ang mga pinangarap ko nun simula pa bata.

1. pinangarap at pinapangarap ko paring maging secret agent. Yung tipong alias. basta secret agent ang frustrated dream ko.

2. hindi man mukhang ako eh pinagarap ko rin maging doktor. siguro mga grade 1 pa lang ako, yun ang sinasagot ko sa mga tanong ng matatada kung ano ang pangarap mo paglaki.

3. gusto kong maging CEO ng isang malaking kumpanya.

4. gusto kong magkaron ng kumpanya ng mga alak, wines. basta. ang ganda ng produto na pino-produce namin noh? May pangalan na nga ako ng company ko dapat eh dati. pero nakalimutan ko na.

5. gusto kong maging blackbelter sa halos lahat ng martial arts. bsta. i love action talaga.

6. pinangarap ko rin na maging dentist.

7. pinangarap ko rin maging veterinarian

8. nangarap akong maging singer. LOL.

commercial: sa tabi ng computer namin, may tv at ang palabas ay ang MMK. nakakaawa talaga. naiiyak ako sa sinapit. gosh! kung napapanood nyo lang yung nangyari. nasabugan siya at hindi ko matanggap ang sinapit at hitsura niya.
hindi yata ako makapagsimula uli ng isusulat ko ha. nanlulumo ako sa sinapit.

9. pinangarap kong magkaron ng maraming maraming cute na aso. kasama ba yun?

10. pinangarap kong mapasaya yung ibang tao katulad ng nasa tv ngaun. kung may magagawa lang ako, pero hello? masama akong bata. alam ko hanggang sana lang ako. hindi ko marunong ipatupad yun. katulad dati nung sobrang lakas ng ulan may batang sumakay ng jeep(mga grade 4) at basang basa siya. gusto kong ibigay yung panyo ko para makapagpunas man lang siya pero hindi ko nagawa. ibbigay ko na lang eh, hindi ko pa nagawa.

10:18 PM

|

I am confused again. Same reasons as before; choosing a career. Tumawag si tita kaninang umaga at kinausap niya si mama. Sinabi nga na nakapasa ako ng ust at chemical engineering yung course ko dun. Sabi ni tita na mas maganda raw yung ece. siya yung magpapa-aral saken at ayoko siyang biguin uli. nabigo ko na siya ng hindi ako nag-nursing. Kumusta naman? siguro gusto lang talaga ni tita na mag-settle na kami sa canada kasama niya pagka-graduate ko ng college, at hindi indemand ang chm eng dun kaya mahirap makakita ng work. Mukhang mas maraming jobs sa Philippines ang chem eng. kuntento nako dun. pano kaya yun? hmmm. tama na nga to. matagal pa naman yan eh.

Kala namin kanina may mga tests. buti na lang napaki-usapan ni mam karen si mam diaz na sa monday na lang. mam karen yun ha. ang init kanina sobra kaya walang kwenta. buti pa sila nasa clinic at nagpapalamig(karla?). umuwi si hannah ng mga 2 pm para sunduin daddy niya sa airport. CAT after nun. then, foodtrip nnman sa labas.

9:48 PM

|
Thursday, March 15, 2007

We had our confession kanina sa St. Peregrine Church. It was great beacause i hadn't had a confession for ages. My last confession was way back grade 3. At siguro nung nagcoconfess ako nun hindi masyadong ganun ka-serious. I don't want to give much details of what had happened but i pretty know how to handle situations now and I am less attracted to commiting sins(hehehehe).
I am happy because I am able to open my friendster now. Ang saya. When i was browsing my friends in friendster I went to my cousin's profile. I misses her so much. 3 years na rin kaming hindi nagkikita. hehehe. sana matuloy ang reunion nmin kahit malabong mangyari.

4:35 PM

|
Wednesday, March 14, 2007

I passed UST. I felt great when I found out the results. Chemical engineering is the course that I chose. My relatives want me to take up nursing but it is, for me, not an option. I don’t want to be a nurse. I will be a hypocrite if I say that I wasn’t attracted to the overflowing dollars that it offers. Money talks. But I am strong enough to stand up for my liked profession. I hate bloods. No. I don’t hate bloods. I just hate studying dead people. I hate looking to the organs of those dead people. These are some of the numerous reasons why I am not taking up nursing.
I am a fan of mathematics. I like math. When there are times that I am faced by difficult problems I just can’t help but think that math is just an unacceptably hard mental labor and therefore,I just leave the question hanging and unanalyzed. I don’t know why I am still into math even though it is just giving me failing grades. That’s the reason why I am taking up engineering. I love math. That’s it. Besides, I don’t want to trash all the things that I had learned from sir aries, ma’am pangilinan, ma’am cabadin, sir nap, sir bundoc, sir Camacho???????, and of course, ma’am Karen.
I love math. That is also the reason why I am not good in English. So please just understand me and forgive me if I have too many grammatical errors in this post. Sorry...hihi!

9:18 PM

|
Monday, March 05, 2007

ang nakakatuwang bagay kay hannah pag hindi niya nakakamit ang gusto niya o nabibigo siya sa mga bagay-bagay, pinaparusahan niya ang sarili niya. halimbawa, kung nakawala siya ng panyo, hindi siya kakain ng masasarap na pagkain. kung hindi naman siya nakakuha ng mataas na grade hindi niya ido-download ang gustong-gusto niyang game sa cellphone niya.
mababa ang nakuha kong UPG at hindi talaga siya katanggap-tanggap. naasar na ako sa sunod-sunod na katangahan ko sa lahat ng aspeto. kailangang tigilan kaya, gagayahin ko ang ginagawa ni hannah. paparusahan ko rin ang sarili ko. at ang parusa ko ay hindi ako magbblog for 1 week. hindi rin ako mag-iinternet unless na may importanteng research, tita na dapat i-chat at iba pang mga importanteng bagay.
kaya blog, masakit man, buh-bye na muna. see you after 7 difficult days. buh-bye blog and fellow bloggers!

9:15 PM

|
Sunday, March 04, 2007

tapos na yung cultural show namin kaya masaya nanaman ako. natutuwa ako kasi wla na uli kameng inaalalang mga bagay bagay ngaun. mejo nagkalat kame during our performance pero sabi nman nila hindi raw naman halata yung mga mali namin.
umulan pagkatapos nung show. kaya nagbonding muna kame sa classrooms nila aja, karla, hannah at ako. pagkatapos pumunta kame ng jollibee bayan.

7:25 PM

|
Friday, March 02, 2007

nagpunta ako sa ust ksama si mama. maaga kameng nakarating dun kaya naglunch muna kami sa mcdo. nagpunta na ako ng tan yan kee ng mga 12:30. nagstart ang exam past 1 pm na. pag pasok sa testing room, gininaw agad ako. sana pala nakinig ako kay hannah na malamig dun. nangangatog ako throughout my stay there. as in NGATOG! grabe. hindi ko natapos yung mental ability, the easiest part. akala ko marami pang time. natapos ko on time yung math at english. sa science mejo natapos ako ng maaga tapos sinabi nung proctor na kung tapos na, pwede ng umalis. gusto ko pang i-double check yung sagot ko sa science pero hindi ko na talaga ma-take yung lamig kaya umalis na ako. matitibay yung iba kong kasama kasi mejo matgal pa bago sila lumabas. buti pa sila mukhang na-double check nila. iilang piraso nga lang pla kami na nagtest. 3 para sa high school. 4 kame para sa college at 3 para sa theology ba yun. basta yun. after nun umuwi na kame pero kumain muna ako sa rice in a box sa may terminal.
may pasok daw bukas. badtrip. magbabayad daw ng araw. ouch! bukas na rin yung cultural show. subtitle: ang pagbagsak ng pauli, ni mam gonzaga at lahat ng di nakapag-prepare.
tinaguriang nice guy high ang section naming pauli. pero kabaliktaran ang lahat. kame ang seksyon na maraming kaaway at maraming kinunsumeng tao.(pascal:brainy high, pauli:nice guy high, pasteur:mvp high, priestly:sossy high, pythagoras: rebel high)

9:42 PM

|